-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagsagip sa mga 14 na crew na lulan ng Comoros-flagged na cargo ship matapos na ito ay lumubog sa Lesbos sa Athens, Greece.

Unang nailigtas ng navy helicopter ang isan crew member ng RAPTOR cargo ship at dinala na ito sa Lesbos General Hospital.

Umabot naman sa limang cargo ships, tatlong sasakyang pandagat ng coast guard , air force at navy helicopters ang nagtulong-tulong para mailigtas ang mga crew memeber.

Ang cargo ship ay may laman na asin ng ito ay lumubog sa may 4.5 nautical miles ng southwest ng Lesbos.

Galing sa Dekheila, Egypt ang barko at patungo sa Istanbul.

Ang barko na nakabase sa Lebanon ang kumpanya ay may lulan na mga crews na kinabibilangan ng dalawang Syrian nationals, isang Indian at 11 Egyptians.