-- Advertisements --
Kinumpirma ng Russia ang paglubog ng kanilang cargo ship sa Mediterranean Sea.
Ayon sa Russian Foreign Ministry na lumubog ang Ursa Major cargo ship sa Timog bahagi ng Spain.
Bago ang paglubog ay nakarinig ang mga ito ng malakas na pagsabog sa engine room.
Nakaligtas naman ang lulan nitong 14 na crew at dinala sa pantalan ng Spain.
Ang Ursa Major ay flagship vessel na pag-aari ng Oboronlogistika isang shipping company na nagdadala ng mga cargo ng Defense Ministry ng Russia.
Patungo sana sa Vladivostok, Russia ang barko at may dalang dalawang malaking cranes na gagamitin para sa paggawa ng pantalan sa lugar.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing paglubog ng barko.