-- Advertisements --

Nailigtas ang 21 crew members na pawang mga Filipino at Chinese matapos na mahati sa dalawa ang cargo ship na kanilang sinakyan sa karagatan ng Japan.

Ang Crimson Polaris na isang Panaman-flagged vessel ay nagkaroon ng fuel leak kaya ito nahati sa dalawa.

Nadala naman sa Hachinohe port sa Aomori ang nasabing barko.

Nagtulong-tulong ang tatlong patrol boats at helicopter ng Japan para madala sa daungan ang nasabing barko.

Nagsasagawa na rin ng paraan ang mga otoridad para maiwasan ang paglala ng oil leak sa nasabing karagatan.