-- Advertisements --
Hindi pa rin naaapula ang sunog sa cargo ship na may kargang mga kahoy sa karagatan ng Sweden.
Nasa ikaapat na araw na ng magsimula ang nasabing sunog.
Nagtulong-tulong na ang iba’t-ibang organisasyon na pinangungunahan ng Swedish coast guard.
Ang cargo ship ay nasunog sa Almirante Storni sa karagatan ng Gothenburg.
Isang malaking hamon para sa kanila ngayon ay ang sama pa ng panahon kaya hirap silang makalapit sa nasusunog na barko.
Gumamit na rin ng drone ang coast guard para imonitor ang barko at sinabing walang nasugatan sa insidente.