-- Advertisements --

Tinamaan ng Russian mine ang isang Panamanian-flagged cargo ship habang ito ay naglalayag sa Black Sea.

Ayon sa Ukraine na sugatan ang dalawang crew ng barko dahil sa nasabing pagsabog at nagdulot sa pagkawala ng kontrol at bilis ng barko.

Ang nasabing barko na Vyssos ay patungo sana sa isang pantalan sa Danube river para magkarga ng mga trigo.

Nabawasan ng Ukraine ang banta ng Russia sa mga barko na dumadaan sa Black Sea sa pamamagitan ng patuloy na pag-atake ng kanilang puwersa sa Crimea.