-- Advertisements --
surigao3

BUTUAN CITY – Binaha ang iilang bahagi ng Surigao City matapos bumuhos ang malakas na ulan kahapon dahil sa shear line o tail end of frontal system.

Nay naitala ding iilang mga landslides sa P8, Sitio Cayutan, Brgy. Cagniog ng nasabing lungsod kung kaya’t kaagad na isinagawa ang clearing operation.

May iilang poste din ng kuryente na natanggalan ng wire dahil sa lakas ng hangin at ulan na nagresulta sa pagharang ng mga ito sa daan na sanhi ng traffic jam na kagad namang inaksyunan ng mga otoridad.

surigao4

May isang cargo vessel din ang tumagilid sa pantalan sa bayan ng Loreto ng Dinagat Islands Province matapos paghahampasin ng naglalakihang alon.

Una ng nag-isyu ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng orange rainfall warning sa Dinagat Island ug Surigao del Norte kagahapon.