Nag-emergency landing ang isang cargo plane sa karagatang Honolulu, Hawaii.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA) na nagkaroon ng problema ang makina ng eroplano kaya nagdesisyon ang piloto ng Boeing 737 na mag-emergency landing.
Galing sa Daniel K. Inouye International Airport ang eroplano at matapos ang ilang minuto ay nagdesisyon itong mag-emergency landing sa Kalaeloa Airport.
Subalit dahil sa labis na pagkasira ng makina ay hindi na umabot sa airport at sa tubig na ito bumagsak.
Nailigtas naman ng mga coastguard ang mga piloto at dinala na ang mga ito sa Queens Medical Center.
Mula pa noong 1982 ay ginagamit na ng kumpanyang Transair ang Boeing 737 na eroplano.
ginawa ang eroplano mula pa noong 1975.
Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang FAA sa nangyaring insidente.
Pinatawan ng one-month ban si US sprinter Sha’Carri Richardson matapos magpositibo sa paggamit ng marijuana.
Dahil sa nasabing parusa ay hindi na siya makakasali sa Tokyo Olympics.
Ang 21-anyos na sprinter ay nagwagi sa 100 meter sa US Olympic trials sa Oregon nitong Hunyo.
Naging pang-anim din siya na nagtala ng pinakamabilis sa kasaysayan.
Isinagawa ng US Anti-Doping Agency (USADA) ang suspensiyon matapos ang Olympic trial events kung saan natapos ito sa loob ng 10.8 seconds.
Humingi ito ng paumanhin sa kaniyang fans at sinabing nagkamali lamang siya.
Hindi aniya nito nakontrol ang kaniyang emosyon kaya nagawa niyang gumamit ng marijuana.