Iginagalang ni dating PBA player Jeffrey Cariaso ang naging desisyon ng management ng Converge FiberXers na palitan siya bilang head coach ng koponan.
Sa kaniyang social media, sinabi nito na lubos niyang nirerespeto ang desisyon ng Converge management.
Wala aniya ito ng pagsisisi dahil sa marami na rin itong naiambag sa koponan at bukod pa sa mayroon din itong mga natutunan sa bilang noong ito ay head coach.
Umasa kasi ito ng manatili ng mas matagal sa koponan subalit hindi aniya nito hawak ang desisyon ng koponan.
Hindi nakapasok sa playoff ang koponan na mayroong limang panalo at anim na talo kung saan tinalo sila ng TNT Tropang Giga 116-92.
Lumalabas ngayon ang usapin na papalit kay Cariaso si daitng San Beda University coach Alden Ayo na itinanggi naman nito dahil sa abala siya sa pag-aalaga ng kaniyang inang may sakit.