Naging severe tropical storm na ang bagyong “Carina”.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang sentro ng bagyo sa may layong 420 kilometro ng silangan ng Tuguegaro City, Cagayan.
May taglay ito na lakas ng hangi na 100 kilometro kada oras at pagbugso ng nasa 125 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal numa 1 sa silangang bahagi ng Santa Ana, Gattaran, Baggao, PeƱablanca, Lal-Lo, Gonzaga sa Cagayan at Divilacan, Palanan, Maconacon sa northeastern ng Isabela.
Magdadala ng malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang nasabing bagyo.
Inaasahan na sa gabi pa ng Miyerkules hanggang madaling araw ng Huwebes ay tuluyang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.