-- Advertisements --

Nanawagan ng tulong ang Caritas Philippines para sa mga residenteng naapektuhan ng pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon noong Hunyo 3.

Itoy sa kabila ng Alert Level 2 na nananatiling nakataas sa naturang bulkan sa Negros Island.

Ayon kay Fr. Carmelo Caluag, executive director ng Caritas Philippines , ang donasyon ay maaaring cash or in kind.

Ang Caritas Philippines ay nagsisilbing humanitarian arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Naniniwala si Fr. Caluag na hindi pa natatapos ng pag-aalburuto ng bulkan kayat naghahanda sila ng kaukulang tulong sa mga residente.

Nais aniya ng Caritas na ipagpatuloy ang pagtulong sa mga nasa evacuation centers pa.

Nauna rito, namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P25.83 milyong halaga ng tulong na binubuo ng food packs at non-food relief items tulad ng hygiene kits sa mga komunidad na apektado ng pagputok ng bulkan.