Hinikayat ng mga Katolikong Obispo ng Caritas Philippines ang gobyerno na dapat ay panatilihin ang katotohanan at hustisya matapos ang kinakaharap na impeachment complaint ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Caritas Philippines president Bishop Jose Colin Bagaforo, na ang impeachment ay nagsisilbing mahalagang mekanismo ng demokrasya para mapanatili ang pananagutan ng mga nanunungkulan.
Ang Caritas Philippines ay social action arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).
Dagdag pa ni Bagaforo na mahalaga na itrato ng publiko ang impeachment proceedings bilang pantay may integridad at irespeto ang nakasaad sa batas.
Hindi rin dapat mangibabaw ang pamumulitika sa pangunahing adhikain ang protektahan ng kapakanan ng mamamayan.
Magugunitang isinumite na ng House of Representative ang impeachment complaint laban kay Vice Presidente Duterte sa Senado matapos na makakalap sila ng sapat na boto na 215.