Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines ng pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
Ayon kay Caritas Philippines national director Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi nila sinasang-ayunan ang plano ng gobyerno ng pagpapaliban ng nasabing Barangay at SK elections.
Ang nasabing plano aniya ng gobyerno ng pagkansela ng halalan ng SK at Barangay ay nagpapakita na hindi binibigyan ng halaga ng national government ang halalan sa barangay levels.
Hindi rin aniya tama sa gobyerno na pigilin ang proseso ng halalan lalo na at ang halalan sa SK at Barangay ay siyang nakikitang most accessible at organic na uri ng pakiklahok ng mga publiko sa serbisyo at panunungkulan.
Magugunitang iminungkahi ni House Majority Leader Martin Romualdez na makakatipd ang gobyerno ng P8 bilyon kapag ipagpaliban ang halalan.