-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng University of the Philippines men’s basketball team ang hindi nila pagpayag kay Carl Tamayo na makasali sa February windows ng 2023 FIBA World Cup qualifiers.
Sinabi ni dating Fighting Maroons head coach at men’s basketball program director Bo Perasol na unang beses kasing maglalaro si Tamayo sa knaiyang collegiate season.
Pinapatutukan sa sa kaniya ang UUAP lalo na at naghahanda ang mga ito sa Season 84.
Ang 6-foot-7 player na si Tamayo ay mayroong average na 8 points at 2.5 rebounds sa dalawang laro nito sa Gilias Pilipinas.
Bukod kay Tamayo ay hindi rin makakasali si Justine Baltazar ng De La Salle University.
Isa ngayong inaasahan ng Gilas Pilipinas na magiging sentro nila ay ang 6-foot-11 Ange Kouame at Will Navarro.