-- Advertisements --

Ibinahagi ng actress na si Carla Abellana ang dahilan ng kaniyang pagkaka-ospital noong nakaraang buwan.

Sinabi nito na sa tatlong araw niyang pagkaka-ospital ay muntik na siyang nagka-sepsis.

Nagkaroon umano ng kumplikasyon ang kani yang kidney stones at urinary tract infection (UTI).

Nagmakaawa na lamang siyang umuwi matapos ang tatlong araw sa pagamutan dahil nangungulila siya sa kaniyang mga aso at may mga trabaho pa siya.

Matapos na wala na ang infections at clear na umano ang x-ray ay napayagan na rin siyang makauwi.

Magugunitang noong Agosto na ma-confine ng ilang araw ang actress kung saan tikom ang bibig nito kung ano ang sanhi ng kaniyang pagpapa-confine.