-- Advertisements --

Binasag na ng actress na si Carla Abellana ang kaniyang katahimikan sa hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Sa kaniyang social media account, sinagot nito ang puna ng netizens matapos na i-like nito ang “cheating” post ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas.

Tila na-trigger ang actress sa mga negatibong komento sa kaniyang social media account.

Saad pa nito na ikinakagalit niya ang pagdamay pati sa kaniyang pamilya sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Sa loob aniya ng pitong taon nilang pagsasama ay ibinigay niya ang tunay na pagmamahal, respeto, pag-alaga at pagtitiwala.

Inamin din nito na sinasaktan siya ng actor.

Magugunitang ikinasal ang dalawa noong Oktubre 2021 at matapos ang tatlong buwan ay lumabas ang usapin na hiwalay na sila.

Ibinunyag ng ama ng actress na si Rey “PJ” Abellana na naikuwento ng actor na ito ay natukso at nakipag- one-night stand.

Dahil dito ay hindi matanggap ng actress ang pangyayari kaya nagpasya itong sila ay maghiwalay na.