-- Advertisements --

Ikinasal na ang showbiz couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang private resort sa Silang, Cavite nitong hapon ng Linggo.

Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan sa industriya ng dalawa at mga pamilya nila.

Naging tahimik ang dalawa sa kasal nila kung saan hindi nila ito isinasapubliko ang petsa.

Tila doble celebration ang kasal kay Charlie dahil kakatanggap lang niya nitong Sabado ng gabi ng best actress award sa 47th Gawad Urian para sa pelikulang Third World Romance.

Noong Pebrero kasi ay umugong ang balita na engaged na ang dalawa matapos na makitang nakasuot ng singsing ang actress subalit itinanggi ito ng actor.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga fans at kasamahan sa showbiz matapos na lumabas ang nasabing balitang pagpapakasal ng dalawa.