-- Advertisements --
E mXpDRWYAESPvu

Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.

Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8.

Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early lead pero nabawi ito ni Yapp at naiposte ang 8-3 lead.

Nakabawi naman si Biado sa pitong straight racks at maitala ang 10-8.

Matapos nito ay tuloy-tuloy na ang pamamayagpag ni Biado at naibaon pa si Yapp sa nine straight racks at naitala ang 12-8 lead.

Hindi na bumitaw pa ang 37-anyos na pool player na tubong La Union sa ika-13 rack at tuluyan nang nasungkit ang titulo.

Napabilib nang husto ni Biado ang mga audience matapos ipanalo ang 10 straight racks.

Kung maalala huling nanalo ang isang Pinoy sa US Open Pool Championship noong 2005 sa pamamagitan ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan.

Pero bago ito, taong 1994 nang makuha ng billiard legend na si Efren “Bata” Reyes kampeyonato sa torneyo.