-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals si Pinoy boxer Carlo Paalam matapos na talunin si Jude Gallagher ng Ireland sa Round of 16 sa men’s 57 kgs. sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.
Sakaling magtagumpay ito sa quarterfinals round ay pasok na ito sa medal round kung saan tiyak na ang panalo nito sa bronze medal.
Maari pa rin siyang makausad sa gold medal round at malampasan ang nakamit nitong silver medal noong Tokyo Olympics.
Labis na nagpasalamat si Paalam sa mga nagsuporta sa kaniya para sa naasbing tagumpay.