CAGAYAN DE ORO CITY -Katulad na ‘in control fight strategy’ sa laban ang gagawin ni Olympian boxer Carlo Paalam kontra Japanese professional opponent Ryomei Tanaka sa Olympics 2020 semi-final round sa Tokyo City,Japan.
Ito ang paglalahad ng dating national athlete at ngayon Olympian Coach Elmer Pamisa matapos ang ilang rounds nila ng light training ni Carlo para sa nalalapit na laban.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Pamisa na target nila kunin ang unang round ng laban upang hindi mahihirapan si Paalam na maghahabol ng puntos kontra Tanaka lalo’t mismo sa bansa nito gaganapin ang kanilang semi-final bout.
Sinabi ni Pamisa na bagamat gugustuhin nila na makuha ang knockout win subalit hindi sila sigurado kung mangyayari ito sa nabanggit na laban mamaya.
Bagamat kampante ang Olympian coach na makausad sa susunod na round ang kanyang alaga lalo pa’t hindi katulad si Tanaka sa unang tatlong nakakalaban ni Carlo ang taglay nito na abilidad at boxing record.
Kaugnay nito,muli humingi ng mga pagdarasal ng kampo ni Paalam na magkaroon silang natitira na mga atletang Pinoy sa Olympics na makausad sa finals upang malaki ang tsansa para sa karagdagang medalya pabor sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay isang ginto at silver pa lamang ang aktuwal na hawak ng Pilipinas kaya nagpu-pursige pa sina Paalam at middleweight contender boxer Eumir Marcial maging sina Filipino golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan para sa karagdagang karangalan sa bansa.