CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam.
Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo Olympics sa Japan.
Ginawa ni Moreno ang reaksyon kasama ang constituents ng lungsod matapos tinalo ni Paalam ang isa sa mga pinakamalakas na katunggali nito na si 2016 Rio Olympics gold medalist Shakhobidin Zoirov sa quarterfinals.
Inihayag ng opisyal na nauunawaan umano nito ang naramdaman ng kanyang alaga kung bakit ito napaiyak matapos ideneklara na panalo via split decision kontra Zoirov.
Bagamat kasama ng pamilya ng Paalam ay hiningi rin ng alkalde ang karagdagang pagdarasal habang uusad pa sa dalawang natitirang laban upang magkaroon ng tsansa na makuha ang medalyang ginto para sa Pilipinas.