-- Advertisements --

Nagkampeon sa China Open si Carlos Alcaraz.

Ito ay matapos na talunin niya si world number 1 Jannik Sinner sa score na 6-7, 4-7, 7-6 para makuha ang ika-16th ATP Tour title.

Bagamat ito na ang pangatlong pagkatalo ni Sinner ay labis pa rin ang papuri ng Spanish player sa kaniya.

Dagdag pa ng 21-anyos na si Alcaraz na nahirapan ito sa nasabing paglalaro.

Magugunitang si Sinner ay kampeon sa Australian Open at US Open habang si Alcaraz ay nagkampeon ngayong taon sa Wimbledon at French Open.