-- Advertisements --

Nagkampeon sa French Open si Carlos Alcaraz ng Spain.

Ito ay matapos na talunin niya si Alexander Zverev ng Germany sa score 6-3 2-6 5-7 6-1 6-2 sa paghaharap nila sa Finals.

Ang nasabing kampeonato ay syang unang French Open title.

Mayroon ng tatlong grand slam ngayon ang world number 3 na si Alcaraz na kinabibilangan ng Wimbledon noong nakaraang taon at US Open noong 2022.

Ang 21-anyos ay pang-pitong at pinakabatang nagwagi ng Grand Slam titles.