-- Advertisements --

Nakatakdang humarap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si double olympic gold medalist Carlos Yulo at ang iba pang Filipino olympians sa Malacanang sa darating na Martes, August 13, 2024.

Darating ang grupo ni Yulo sa Martes ng hapon sa Villamor Air Base kung saan sasalubungin sila ng kani-kanilang mga pamilya.

Ayon sa Presidential Communications Office, bibigyan ng heroes parade ang mga atleta na magsisimula sa PICC sa Pasay City kung saan babagtasin ang ilang lugar sa Maynila at magtatapos sa Malakanyang.

Pagdating sa Malacanang, sasalubungin ni Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at First Family ang mga atleta kung saan bibigyan sila ng parangal at insentibo para sa kanilang kontribusyon sa Philippine sports at naging performance sa 2024 Paris Olympics.