BACOLOD CITY – Nahihirapan ngunit determinado si Carlos Yulo na makuha ang anim pang gold medals sa aparatus finals ng men’s division.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Bettina Pou, secretary general ng Gymnastics Association of the Philippines, sinabi niyang patuloy na inaalala ni Caloy ang saya at inspirasyong mabibigay niya sa mga kababayan sa kanyang mga susunod na gold medals sa kabila ng hindi masyadong makapag concentrate dahil sa pressure na magperform kaharap ang mga kababayang Pinoy.
” Alam namin na he is going to do very well. After all hindi niya pababayaan ang kanyang mga kababayan na ma disappoint. He really work very hard to be able to show the country and the Filipinos how proud he is to be a Filipino.” pahayag ni Bettina Pou
Dagdag pa ni Pou na palagi sanang magsilbing inspirasyon si Caloy sa mga kabataang gusto rin matuto at maabot ang pangarap sa larangan ng gymnastics.