Tiniyak ni Filipino gymnast Carlos Yulo na kaniyang napaghandaan ang pagsabak sa three apparatus finals ng 2021 Artistic Gymnastics World Championships na ginaganap sa Kitakyushu, Japan.
Sinabi ng 21-anyos na Olympian na ‘di gaya noong Tokyo Olympics ay kakaiba ang paghahanda niya ngayon dahil sa wala itong injury.
Nanguna kasi ito sa mga event ng vault, floor exercise at parallel bars.
Sa tatlo aniya ay tanging ang parallel bars lamang siya nagulat dahil hindi siya kuntento sa naging performance niya doon.
Magsisimula ang pagdepensa niya sa floor exercise title sa Oktubre 23 ng alas-3:10 ng hapon (Manila Time) habang ang vault finals ay gaganapin sa Oktubre 24 ng alas-3:25 ng hapon na susundan ng parallel bars finals ng 5 p.m. pawang oras dito sa Pilipinas.