-- Advertisements --

Nagpakitang-gilas si Carlos Yulo sa kanyang dalawang pet events sa men’s gymnastics individual qualification sa 2024 Paris Olympics sa Bercy Arena. 

Namayagpag ang 24-anyos na Filipino gymnast sa kanyang paboritong floor exercise, at nakapagtala ng 14.766 puntos, provisionary second spot sa naturang event. 

Nangunguna sa floor exercise si Jake Jarman ng Great Britain, na may 14.966 puntos.

Pasok na rin si Yulo sa final round ng floor exercise at gymnastics vault, kung saan provisionary sixth spot ito sa vault event. 

Sa ngayon, nasa ikawalong pwesto si Yulo sa all-around ranking kung saan 24 na mga manlalaro ang aabante sa finals. 

Gayunpaman, nahirapan si Yulo sa pommel horse (13.066), rings (13.000), parallel bars (14.533), at horizontal bar (13.466) at hindi makakaabante sa final round sa apat na apparatus na ito.