-- Advertisements --

Binigyang linaw ni golden boy Carlos Yulo ang ilang mga punto at usapin na binanggit ng kanyang ina sa naging panayam ng Bombo Radyo kamakailan.

Ayon 2-time Olympic , aabot sa 6 digits na halaga ng pera ang kanyang incentive at hindi P70-K lamang gaya ng sinabi ng kanyang ina.

Punto pa Yulo, wala sa liit o halaga ng pera ang principle dito kundi ang naging pagtatago umano ng kanyang ina na nakuha na pala nito ang kanyang gantimpala ng hindi niya batid.

Ang naturang halaga ay hindi na niya hiningi sa kanyang pamilya.

Nilinaw rin nito na mayroong sariling kita ang kanyang kasintahan at ang pananamit nito ay dahil na rin sa kanyang kinalakihang kultura sa ibang bansa.