-- Advertisements --

Plano ngayon ni double Olympic gold medalist Carlos Yulo na makita ang dating coach nito na si Munehiro Kugimiya.

Si Kugimiya ay naging coach ni Yulo mula 2016 hanggang 2023 na siyang tumulong para maging world-class gymnast ito.

Sinabi ni Yulo na nais niyang bigyang pagkilala ang dating coach dahil siya ang naghubog sa kaniya.

Hindi pa rin nito tiyak kung makakasama niya ulit ang dating coach sa mga susunod na training nito.

Maaring sa buwan pa ng Nobyembre ay bibisitahin ni Yulo si Kugimiya sa Japan.

Sa kasalukuyan ay si Aldrin Castaneda na ang coach nito ngayon.

Umaasa rin nito na magkakaroon ng Team Yulo sa darating na Olympics 2028 kung saan makakasama nito ang kaniyang mga kapatid.

Ang nakakabatang kapatid kasi nito na si Karl Eldrew ay nagwagi ng mga gintong medalya sa iba’t-ibang international gymnastics competitions habang ang bunsong kapatid nila na si Elaiza ay nagwagi na rin ito ng mga gintong medalya sa nagdaang 2024 Palarong Pambansa na ginanap sa Cebu.