-- Advertisements --

Nakatakdang parangalan ang Gymnast sensation na si Carlos Yulo na gumawa ng kasaysayan sa pagkapanalo ng kauna-unahang double gold medal ng Pilipinas sa Paris Olympics, bibigyan ng parangal si Yulo bilang ‘Athlete of the Year’ ng Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) sa January 27, 2025.

Gaganapin ang event sa Manila, kung saan ipagdidiwang ang mga tagumpay ng bansa sa Olympics at ang iba pang mga nangungunang atleta ng taong 2024.

Ang kahanga-hangang tagumpay ni Yulo ay nagbigay diin sa sentenaryo ng pakikilahok ng Pilipinas sa Olympics.

Kasama rin sa PSA Hall of Fame si Hidilyn Diaz, na four-time winner ng ‘Athlete of the Year’ noong taong 2016, 2018, 2021, at 2022 para sa larangan ng weightlifting.

Bibigyan din ng President’s Award ang boxer na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas para sa kanilang bronze medals sa Paris Games.

Habang kinilala rin si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang Executive of the Year, at ang Gymnastics Association of the Philippines ay kikilalanin din bilang National Sports Association (NSA) of the Year.

Inaasahan ang nasa 117 awardees, kabilang ang iba pang mga natatanging atleta mula sa iba’t-ibang sports ang bibigyan ng parangal sa Philippine Sportswriters Association awards.