-- Advertisements --
Nakatuon na ang atensiyon ngayon ni world champion gymnast Carlos Yulo sa paglahok sa Asian Games sa Hangzhou, China sa buwan ng Setyembre.
Kasunod ito sa ginagawang evaluation ng Gymnastics Association of the Philippines sa posibilidad ng hindi paglahok ni Yulo sa World Championship sa Antwerp, Belgium at sa halip ay pagsabak nito sa Asian Games.
Ang nasabing desisyon ay base na rin sa rekomendasyon ni Philippine Olympic Committee president Abaraham Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na lahat ng miyembro ng POC general assembly ay hiniling na ikonsidera ni Yulo ang paglaro sa Asian Games.
Kabilang si Yulo sa 426 na delegasyon na isasabak ng Pilipinas sa nasabing torneo.