-- Advertisements --
Nanguna si Carlos Yulo sa 17th Junior & 11th Senior Men Artistic Gymnastics Asian Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.
Sa kaniyang unang araw ay sumabak ito sa anim na apparatus na kinabibilangan ng floor exercise, pommel horse, still rings, vault, parallel bars at horizontal bar ay nagtala ito ng kabuuang 84.931 points.
Kasama si Yulo sa Subdivision 2 at hinihintay pa ang resulta ng Subdivision 3 para malaman kung mapapanatili ba niya ang unang puwesto.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa pangalawang puwesto si Milad Karimi ng Kazakhstan at pangatlong puwesto naman si Dehang Yin ng China.