-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Carlos Yulo para sa SEA Games sa darating na Mayo.

Sinabi ng Pinoy gymnast na nasa 85 percent na siyang nakahanda para sa nasabing torneyo.

Nasa bansa kasi ngayon si Yulo dahil nakatakda nitong pasinayanan ang pagbubukas ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) National Gymnastics Center sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni GAP president Cynthia Carrion na kailangan din ni Caloy ang magpahinga dahil sa masyado itong naging abala sa ensayo sa Tokyo, Japan.

Ayon naman sa world champion gymnast na sa darating na Marso 6, pa ang kaniyang pagbabalik sa Japan para magsanay.