-- Advertisements --

Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics. 

Nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas. 

Ito na ang pangalawang ginto sa kasaysayan ng bansa matapos na unang masungkit ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa weightlifting competition noong 2020 Tokyo Olympics. 

Sasabak muli si Yulo bukas, Agosto 4, para naman sa gymnastics vault.