-- Advertisements --

Nasungkit ni Filipino artistic gymnast Carlos Yulo ang gold medal sa parallel bars final ng 2024 FIG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup series sa Doha, Qatar nitong Sabado, Abril 20.

Nakakuha si Yulo ng score na 15.200 samantalang ang pumangalawa sa kaniya na si Hung Yuan-Hsi ng Chinese Taipei ay nakakuha ng score na 14.966.

Ang pumangatlo naman ay nagmula sa bansang Brazil na Caio Souza kung saan nakakuha ito ng 14.566 na score.

Una na rito ay nasungkit ni Yulo ang silver medal sa men’s vault matapos makakuha ng score na 15.066 na hindi naman nalalayo sa 15.166 na score ng nakasungkit ng gold na si Artur Davtyan ng Armenia.