-- Advertisements --

Abanse na sa finals ng FIG Artistic Gymnastic World Cup sa Doha, Qatar si Filipino Olympic gymnast Carlos Yulo.

Ito ay matapos na nagtapos siya ng pangalawang puwesto.

Nagtala ito ng 14,966 sa vaulta at 14,633 sa parallel bars.

Nasa unang puwesto naman si Artur Davtyan ng Armenia na mayroong average score na 15.116.

Pasok naman sa finals ang isa ring pambato ng Pilipinas na si Levi Rivivar para sa uneven bars kung saan kapag nagtagumpay ay pasok siya sa Paris Olympic.