-- Advertisements --

Planong magbakasyon muna si double Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos ang kaniyang panalo sa Paris Olympics.

Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na kapag matapos na ang lahat ng mga public engagement nito ay bahagyang magbabakasyon muna ito.

Magkakaroon din ito ng maikling training bago isagawa ang inaasam niyang pahinga.

Ilan sa mga plano ito ay ang pag-ikot sa mga magagandang lugar sa bansa gaya sa Boracay at Palawan na hindi pa nito napuntahan.