Hindi muna magkakaroon ng dayuhan na coach si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion na mananatili muna ang long-time local coach nito na si Aldrin Castaneda.
Sinabi nito na naghahanda si Yulo at ang local coach nito para sa tagumpay sa pagsabak nito sa Los Angeles 2028 Olympics.
Paglilinaw pa nito na bukas naman ang pintuan ng kaniyang grupo sa sinumang dayuhang coach na interesadong magbahagi ng kanilang kaalaman.
Magbabakasyon muna si Yulo sa Australia sa darating na Oktubre 8 at pagkatapos nito ay magtutungo siya sa Tokyo sa darating na Oktubre 14-18 at doon na rin ipagpapatuloy niya ang training.
Pag-aaralan pa nila kung anong mga torneo ang kanilang sasalihan sa susunod na taon gaya ng World Championships sa Jakarta at sa SEA Gaems sa Bangkok, Thailand.