Tatangkain ni Pinoy gymnast Carlos Yulo na ibulsa ang pinakaunang medalya ng Pilipinas ngayong araw (July 31) sa pagsabak niya sa Men’s Artistic All Around Final.
Nakatakda ang laban ni Yulo mamayang 11:30 ng gabi, oras sa Pilipinas, sa Bercy Arena.
Makakalaban ng batikang Pinoy gymnast ang 23 na iba pang magagaling na gymnast mula sa iba’t-ibang mga bansa katulad ng China, Japan, Great Britain, US, Ukraine, Kazakhstan, the Netherlands, atbpa.
Si Yulo ay isa sa mga paboritong manalo ng mga medalya sa sasalihan niyang iba’t-ibang events sa ilalim ng gymnastics.
Batay sa naunang prediksyon ng International Gymnast Media (IGM), si Yulo ay maaaring manalo ng gintong medalya sa Floor Exercise na siyang paboritong laro ng Pinoy gymnast.
Maaari din umanong manalo si Yulo ng silver medal sa Vault Exercise, batay pa rin sa prediksyon ng naturang ahensiya.
Unang umusad sa finals si Yulo kasama ang 23 na iba pang mga world-class gymnast matapos silang magpakita ng magandang performance sa preliminaries.
Dito ay nakasali ang 26 na iba pang mga gymnast o kabuuang 50 atleta.