-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Inaprubahan ng Regional COVID-19 Task Force ang kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Carmen, Cotabato na magpatupad ng localized lockdown o focus containment.

Ang localized lockdown ay bahagi ng Executive Order # 34 ni Carmen Mayor Moises Arendain.

Nag-umpisa na ang localized lockdown noong hatinggabi ng Sept 12 hanggang Sept 19.

Ni-lockdown ng LGU-Carmen ang bahagi ng Purok 12 Brgy Poblacion kasali ang tahanan ni patient 81.

Ang pasyente ay 16-anyos na babae na may travel history mula sa Cagayan De Oro City na dumating noong Sept 5.

Nakaranas ng lagnat at sakit ng ulo ang biktima kung saan kinunan ng swab test at nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma naman ni Mayor Arendain na sa ngayon ay nasa maayos na kondisyon ang dalagita, asymptomatic at nasa isolation facility.