-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang actress na si Carmina Villaroel dahil sa pagpanaw ng amang si Regy.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ng ama na si Regy at inang si Menchu.

Itinuturing kasi ng actress ang ama bilang unang lalaki na kaniyang minahal.

Ikinalungkot din ng anak ng actress na si Mavy ang pagpanaw ng kaniyang “Daddy Groovy” kung saan nagpost ito ng mensaheng pasasalamat at pagdarasal.