-- Advertisements --

LA UNION – Sa bisa ng Municipal Ordinance 241-2020 ipinagbawal ngayon sa isang bayan sa La Union ang pagsasagawa ng caroling upang maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 lalo na mga nasa ilalim ng Community Quarantine.

Ayon sa ordinansa, hinihikayat ang mga mamamayan na manatili sa kani-kanilang mga tahanan upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa bayan ng Naguilian, La Union.

Sa ilalim ng ordinasa, maaring maharap sa parusa ang mga sasaway kung saan ang 1st Offense ay may multang P1,000.00; 2nd Offense P2,000.00; 3rd and Succeeding Offenses P2,500 at maaaring makulong ng anim na buwan depende sa desisyon ng Korte.

Inaasahan ng pamahalang lokal ng Naguilian ang kooperasyon ng bawat mamamayan nito upang mapanatiling matiwasay, malusog at masaya ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.