Hindi na umano papatulan pa ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pahayag sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay “buang” at “istupido.”
Kasunod ito nang pahayag ni Carpio na unsconstitutional ang pagtrato ng gobyerno sa nangyaring pagbanggaan ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.
Sa kaniyang talumpati sa 112nd anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang, na mula pa noon ay wala ng tiwala ito kay Carpio.
Kahit daw kababayan niya ito sa Davao ay wala pa rin itong tiwala sa mahistrado.
Samantala nanindigan pa rin ang Pangulong Duterte na papayagan niyang makapangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang China.
Sa talumpati pa rin ng Pangulong Duterte, ipinaliwanag nito na sa naipanalong kaso ng nagdaang administrasyong Aquino sa ilalim ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, hindi naman daw binigyan ang Pilipinas ng ganap na sovereign rights sa buong EEZ bagkus ay hanggang 12 nautical miles lamang ng territorial sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang bansa sa mundo ang may sovereign rights sa economic zone.
Kaya hindi umano niya maaaring ipagbawal na mangisda sa EEZ ng bansa ang China lalo pa sa paniniwala nila ay kanila rin ang bahaging ito ng karagatan.