-- Advertisements --
West PH Sea map South China spratlys reed bank
South China Sea map showing the claims and facilities of each country (photo from @IndoPac_Info)

Kinontra ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si House Speaker Alan Peter Cayetano sa isyu ng mas maraming isla raw ang inuukupahan ang Malaysia at Vietnam sa bahagi ng South China Sea.

Ayon kay Carpio, malaking pagkakaiba umano ang kaso ng Vietnam at Malaysia dahil wala namang mga isla ng Pilipinas ang kanilang inaangkin na sumasakop sa exclusive economic zone (EEZ).

Hindi aniya tulad sa China na inaangkin ang 80 porsyento ng exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

Nilinaw pa ng Supreme Court associate justice na sa ngayon nasa siyam na isla ang inuukupahan ng Pilipinas, nasa lima ang Malaysia, pinakamarami ang Vietnam na umabot sa 21, ang China walo kabilang ang Scarborough Shoal na kilala rin bilang Panatag Shoal o aabot pa sa siyam kung isasama pa ang Sandy Cay sa West Philippine Sea.

Justice Carpio
SC Associate Justice Antonio Carpio

“More importantly, China claims 80 percent of Philippine EEZ in the West Philippine Sea. Vietnam and Malaysia do not claim any part of Philippine EEZ in the West Philippine Sea. In fact, China is the only country that claims Philippine EEZ in the West OPhilippine Sea,” bahagi ng statement ni Carpio upang ituwid ang naunang pahayag ng House speaker.