Nakahanda umano si Pangulong Rodrigo Duterte na makipaggiyera sa China, kung kasama nito sa mangunguna sina Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ikinalulugod niyang pamunuan sina Carpio, Morales at Del Rosario at talagang hihilahin daw niya sila kung magkagiyera.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, tiyak na kamatayan ang susuungin dahil hindi raw talaga mananalo laban sa China.
“Pero kung magsama ito si Carpio, si Morales, si Albert, I would be happy to lead them. Kung magka-giyera talaga, hihilain ko itong mga l**** na ito. Dito tayo. Anyway, mamamatay man tao. Mamamatay man talaga tayo. Punta tayo doon. Make this… We’ll not — we can never win a war against China,” ani Pangulong Duterte.