-- Advertisements --
Justice Antonio Carpio

Sumama na rin si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pagsasampa ng kaso laban sa China sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang kinumpirma ni Del Rosario sa isang virtual forum na inorganisa ng Stratbase ADR Institute.

Kung ipapaalala noong March 2019, sina Del Rosario at Morales ay naghain ng ng communication laban kina Chinese President Xi Jinping at iba pang Chinese officials dahil umano sa iligal na pagsasagawa ng mga aktibidad at pagpapatayo ng mga imprastraktura sa South China Sea, kabilang na sa West Philippine Sea.

Pero ang ICC prosecutor na si Fatou Bensouda ay nagsabi noong December 2019 na ang tribunal ay walang hurisdiksiyon sa umano’y “crimes against humanity” ng China sa West Philippine Sea.

Sagot naman ni Del Rosario, magsusumite sila ng dagdag na information sa ICC ngayong linggong upang ipakita na meron silang mga bagong mga ebidensiya.