-- Advertisements --
VIGAN CITY – Bibisita ngayong araw sa mga sikat na tourist destination sa lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte ang mahigit sa 4,000 turistang sakay ng Caribbean cruise ship na dadaong sa Salomague Port, Cabugao, Ilocos Sur.
Kaugnay nito, mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ng mga otoridad sa nasabing lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga turistang lulan ng Spectrum of the Seas.
Ang Spectrum of the Seas as tinatawag na Quantum-Ultra-class cruise ship na pag-aari Royal Caribbean International at unang ganitong klase ng modified na barko.
Maliban sa mga tourist destination sa lalawigan, nakatakdang bumisita rin ang mga nasabing turista sa mga tourist destinations sa lalawigan ng Ilocos Norte sakay ng 50 mga bus at van.