-- Advertisements --

NAGA CITY – Naghihintay ngayon ang lahat ng taga-Hong Kong sa magiging pagharap ni Chief Executive Carrie Lam kaugnay ng patuloy na paglawak pa ng mga kilos protesta.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nito na may lumabas aniyang balita sa Hong Kong sa biglang pagkawala ni Lam ng dalawang araw sa gitna ng mga protesta nitong nakaraang weekend.

May mga lumabas umano kasing report na sumaglit sa China ang chief executive na siyang nais makumpirma ng mga tao sa lugar.

Samantala, ngayong araw ay nagpatuloy pa rin aniya sa pagtipon-tipon ang mga protesters sa mga airport.

Ayon kay Sadiosa sumasabay ngayon sa init ng panahon ang pagtindi pa ng kaguluhan sa bansa lalo pa nang maitala na ang nasa 20 mga sugatan sa itinuturing ng police brutality ng mga otoridad.

Napag-alaman na may mga pulis na din umano kasing nakasuot na rin ng itim na damit na pumapasok sa linya ng mga protesters.