-- Advertisements --

Dumating ang Carrier Strike Group (CSG) ng French Navy, na pinangunahan ng aircraft carrier Charles de Gaulle para sa isang hindi pang nangyayaring stopover, na maaaring maging mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng defense cooperation ng France at Pilipinas.

Sa isang post sa Facebook nitong Linggo, sinabi ng Embahada ng France sa Pilipinas at Micronesia na ang pagbisita ng barko nila ay nagpapakita lamang ng kooperasyon at pagpapalakas sa maritime defense ng France at Pilipinas.

Ang namataang CSG ay binubuo ng Charles de Gaulle, dalawang multi-mission destroyer, isang air defense destroyer, at ang auxiliary oil replenishment ship na Jacques Chevallier.

Tinukoy ng Embahada ng France na ang Charles de Gaulle, air defense destroyer, at Jacques Chevallier ay naka-dock sa Subic, samantalang ang dalawang multi-mission destroyers naman ay nasa Maynila.

‘This operational deployment is a testament to our commitment to a free and open Indo-Pacific, pahayag ng embassy.

Ang naturang pagbisita ng mga barko ng France ay dahil sa letter of intent na nilagdaan ng France at Pilipinas noong Disyembre 2023, na layuning palakasin ang military cooperation at joint operations ng dalawang bansa.