-- Advertisements --

Kinumrpima ng asawa ni Dame Barbara Windsor na sumakabilang-buhay na ang English retired actress.

Ayon kay Scott Mitchell, payapa namang pumanaw si Barbara sa edad na 83 habang nasa tinatawag na care home sa London.

Nabatid na sa naturang pasilidad na namalagi si Windsor kamakailan, bagama’t taong 2014 pa nang ito ay ma-diagnose na mayroong Alzheimer’s/dementia.

Sa paglalarawan ng ngayo’y biyudong si Mitchell, puno ng “humour, drama and a fighting spirit” ang kanyang kabiyak hanggang sa mga huling sandali nito sa mundo.

Si Dame Barbara ay naging tampok sa 31 pelikula ng comedy series na “Carry On.”

Kasunod nito, ay itinalaga siya bilang ambassador for the Alzheimer’s Society at nakaharap pa si Prime Minister Boris Johnson hinggil sa pagpapalaganap ng kaalaman para sa naturang sakit. (BBC)