-- Advertisements --
PeppaPig
Peppa Pig/ IYouTube pics

Nabili ng US toy company na Hasbro ang sikat na cartoon character na Peppa Pig sa halagang $4 billion.

Layon ng kumpanya ay para mapalawig ang kanilang pagbebenta ng mga laruan sa kabataan.

Sinabi ni Hasbro CEO Brian Goldner na dadaan pa sa regulatory approval ang nasabing kasunduan at ito ay posibleng maplantsa na sa katapusan ng taon.

Kilala ang US toy company na nasa likod ng sikat na bran na Play-Doh, Monopoly, Power Rangers, Transformers at My Little Pony.